Salamat!

Sa araw araw na ginawa ng Diyos ano ang mga bagay na thankful ka?  Pag nawala itong mga bagay na ito.. hindi mabubuo ang araw mo. Pag nawala itong mga bagay na ito.. hindi ka makaka galaw.  Kaya eto na sila.

1. Salamat sa kape ng  Mc. Donalds/ Burger King na mas mura kesa sa Starbucks.. sa pag gising saken twing umaga.

2. Salamat sa MDA ni Jojit nagagawa ko ang schedule ko at hindi ako nalilito. Kahit ilang beses ng nahuhulog sa daan at  laging nawawala ang stylus.

3. Salamat sa navigator  ng kuya ko at kung wala ito.. maghapon akong magpapaikot ikot sa  Houston at Richmond/Rosenberg kakahanap ng mga pasyente ko.

4. Salamat sa Westpark tollway/Sam Houston tollway at Fort Bend tollway na patuloy ang pagsingil saken araw araw pag dumadaan ako sa kanila. Kung wala sila.. hanggang 8:00 ng gabi ako sa daan.

5. Salamat sa aking trabaho (H.O.T) na patuloy ang pagbigay saken ng pasyente. Minsan nakakapikon na sa dami….

6. Salamat sa kotse ko na hindi pa bumibigay at sana huwag muna bumigay.. heheh

Ganito talaga siguro ang buhay Home Health. Maghapon ka nagmamaneho.. la kang kausap kundi sarili mo.. kung ano ano naiisip mo. Hehehe. Iyan lang po ang ilan sa mga bagay na thankful ako sa araw araw na ginawa ng Diyos.  Kasama na diyan ang aking family. Lahat sila. Salamat sa Diyos at hindi pa rin nila ko pinapamigay.. hanggang sa muling pagkikita.

One Response to “Salamat!”

  1. orgl Says:

    hayyy Tisha e employ mo na kasi ako dyan sa inyo kasi hehehehe personal alalay ba cge na…..

Leave a Reply